Live From The Field

19

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos barilin ng sariling ama sa Brgy Calimaturod, Cordon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Nikko Jay Agustin, 29 taong gulang, residente ng Centro 1, San Guillermo, Isabela habang ang suspek na ama nito ay nakilalang si Eusebio Agustin, 76 taong gulang, magsasaka, residente naman ng Barangay Calimaturod sa bayan ng Cordon.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang biktima sa bahay ng kanyang tatay upang kunin ang kopya ng certificate ng kanilang kalabaw subalit tumanggi ang ama na ibigay ito.

Dahil dito, nagalit ang biktima at tinutukan ng homemade na baril (sumpak) ang tatay nito subalit naagaw ito ng kanyang ama at ipinutok sa ulo ng anak na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Dinakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Cordon ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso ng pulisya bukas sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Facebook Comments