Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Mandaluyong, patuloy ang pagtaas

42

Nadagdagan pa ang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Mandaluyong.

Batay sa tala ng health department ng lungsod, mayroon pang bagong 10 indibidwal na nag positibo sa virus.


Dahil dito, umakyat na sa 1,108 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

 

Sa nasabing bilang, 70 na rito ang nasawi at 761 naman ang gumaling na, habang nasa 277 na ang ng active cases na kasalukuyang ginagamot sa mga quarantine facility ng Mandaluyong City.

Samantala, 691 naman ang suspected COVID-19 cases at 165 ang probable cases sa lungsod.

Facebook Comments