Sa kabila ng hamon sa larangan ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya, sinigurado ng Department of Education Region 1 na mai-implementa ang paggamit ng Mother Tongue-Based Multilingual Education o (MTB-MLE) sa pag-aaral ng mga estudyante sa rehiyon.
Sinabi ni DepEd Regional Director, Tolentino Aquino sa katatapos lamang na Regional Orientation on the Utilization of MTB-MLE , mahalaga ang paggamit ng mother tongue upang mapreserba ang kultura ng rehiyon.
Lumalabas din sa pag-aaral na nagkakaroon ng interaksyon ang mga estudyante kung mother tongue ang gamit sa pagtuturo.
Ayon naman kay Assistant Regional Director, Ronald B. Castillo, lumalabas sa pag-aaral na ang paggamit ng mother tongue ay daan upang mahasa ang kasanayan ng bawat mag-aaral.
Dahil dito, nanawagan ang kagawaran sa mga guro na iimplementa ng maayos ang MTB-MLE.
Pinag-iisipan na rin ang deployment ng mga guro mula Grade 1 hanggang Grade 3 maging ang paggawa ng polisiya na sisigurado sa familiarization ng mga ito sa MTB-MLE.