S-PASS MANANATILING REQUIREMENT PARA SA MGA MAGBABALAK PUMASOK SA PANGASINAN

LINGAYEN, PANGASINAN – Bagamat nasa Modified general community quarantine o MGCQ na ang status ng Pangasinan mananatili parin ang S-PASS o SAFE, SWIFT AND SMART PASSAGE bilang requirement o dokumentong kakailanganing ipresenta ng mga magbabalak pumasok sa lalawigan.

Ayon sa Province of Pangasinan Executive Order No. 151 Series of 2021 Section no. 4. N na wala ng kailangang ipapakitang dokumento sa border checkpoint ngunit tanging approved S-pass registration ang hahanapin sa isang biyahero.

Nakasaad din dito na ang mga lugar na nasa ilalim ng ECQ, MECQ, Granular Lockdown, at Alert Level 5 ay hindi pinapayagang makapasok sa lalawigan.


Para naman sa mga lugar na nasa Alert level 4 ang quarantine classification restrictions tanging ang mga batang nasa edad labing walo pababa, 65 years old pataas , mga buntis at may sakit ang hindi papayagang makapasok.

Exempted naman ang mga APOR o Authorized Person Outside Residence na pumasok ngunit kailangan lang magpresenta ng employment valid ID, employment certificates, travel order at iba pa.###

Facebook Comments