TONDALIGAN BEACH PARK AT PITONG BARANGAY MAY FREE INTERNET ACCESS NA SA DAGUPAN CITY

Mayroon ng libreng public Wi-Fi sa Tondaligan beach park matapos maisaayos ng Dagupan City Management Information System (MIS) ang mga Wi-Fi access points sa lugar.

Kabilang sa mga nalagyan na ng MIS at Department of Information and Communications Technology (DICT) ng public Wi-Fi ang mga Barangay ng Salapingao, Lomboy, Pugaro, Carael, Calmay, Pantal, at Bonuan Gueset. Ang public Wi-Fi ay available mula 7 AM hanggang 10 PM.

Unang nabigyan nang access sa libreng internet ang limang island barangay noong buwan ng Nobyembre.


Ayon kay MIS chief Gideon Ymasa, layon ng public Wi-Fi sa Tondaligan park na makapagbigay ng libreng internet access sa mga bisita upang mas mapaganda ang live content ng mga social media users na nasa lugar.

Bukod dito, ang iba pang access points sa pitong nabanggit na barangay ay nakatalaga sa mga eskwelahan para magkaroon nang mas maayos na internet connection ang mga guro at mag-aaral.

Tinatayang nasa 30 mbps ang download speed at 15mbps ang upload speed sa bawat isang connection sa mga access points.

Bawat guro naman sa paaralan na may free internet ay maaaring makakuha ng 60mbps download speed at 30mbps upload speed. | ifmnews

Facebook Comments