Nakatakdang magpulong ang mga sekto ng transportasyon bukas para pag usapan ang nakabinbin na petisyon para sa taas pasahe
Sa naging panayam ng iFMDagupan kay Autopro Pangasinan President Bernard Tuliao sinabi nito na magkakaroon ng pagpupulong bukas kaugnay sa nasabing petisyon
sa ngayon aniya ay magkakaiba ang hinihiling na taas pamasahe kung kaya’t napag kasunduan nila na gawin na lamang itong pare pareho kung kaya’t igagaya ito sa Metro Manila transport na humihingi ng limang pisong taas pamasahe
Matagal na din aniya na hindi nagkaroon ng taas pamasahe sa hanay ng transport kung saan ay maglilimang taon na aniya
Samantala hiniling naman nito sa mga commuters na nakakaranas ng mataas na o over charging na idulog sa kinauukulan dahil wala pang aprubado hanggang ngayon.
###
DEPARTMENT OF AGCICULTURE NAMAHAGI NG ALAGANG HAYOP SA LINGAYEN
Nakatanggap ng alagang hayop partikular ng kambing ang ilang mga residente sa bayan ng Lingayen bilang bahagi ng Rehabilitation project ng Department Of Agriculture.
Bawat benipesyaryo ay nakatanggap ng tig isang babaeng kambing habang may isang lalaki na maaari nilang hiramin para sa pagpaparami ng lahi ng mga ito. Base na rin ito sa isinagawang screening ng MAO sa mga benepisyaryo.
Nakatakdang paramihin ng mga benipesyaryo ang kanilang natanggap na mga alagang kambing upang magkaroon sila ng mapagkakakitaan o kabuhayan sa brgy. Tubong, Brgy. Namolan, Quibaol at Aliwekwek.
Samantala, matapos ang pamamahagi, tungkulin ng MAO na subaybayan ang pagpapatuloy ng proyekto upang makita at alamin ang kalagayan nang ipinamahaging mga hayop.
###
MGA OSPITAL NA KABILANG SA VACCINATION ROLL-OUT NG MGA NASA EDAD 5-11 HANDA NA
Handa na ang Ilocos Training and Regional Medical Center o ITRMC bilang pilot hospital sa buong region 1 sa paglulunsad ng bakunahan sa mga batang nasa edad lima hanggang labing isang taong gulang.
Saad ng kanilang tanggapan, mag-uumpisa ang kanilang pagbabakuna sa oras ng alas siete ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Makikiisa rin ang Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City sa darating na Lunes maging ang limang district hospital nito na matatagpuan sa bayan ng tayug, bayambang, lingayen, siyudad ng Urdaneta at Alaminos.
Ayon sa PHO Chief ng Probinsya na si Dra. Ana De Guzman, upang maiwasan ang aberya ay mangayring dalhin ang mga kaukulang dokumenttong kakailangain sa pagpapabakuna gay ana lamang ng birth certificate ng bata at medical certificate kung ito ay may sakit.
Samantala, payo nito sa mga magpapabakuna na sumunod sa mga umiiral na public health standards sa bayan.
###
LIQUOR BAN, CURFEW AT MARKET CLOSURE SA DAGUPAN CITY, LIFTED NA
Pinapayagan na ng pamahalaang lungsod ng Dagupan ang pag-inom at pagbebenta ng alak dahil sa patuloy na pagbaba ng naitatalang aktibong kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na Executive Order No. 7 series of 2022, epektibo ngayong araw ang ika-11 ng Pebrero ang pagtanggal sa liquor ban ngunit kailangang ipatupad ng mga establisyimento ang minimum public health standards kabilang na dito ang pagbabawal sa mga unvaccinated individuals.
Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga establisyimento sa lungsod ay kailangang magcomply sa 30% indoor venue capacity sa lahat ng mga fully vaccinated individuals at 50% naman para sa outdoor venue capacity.
Hindi na rin isasara ang mga palengke sa lungsod sa una at ikatlong Huwebes ng buwan para sa disinfection subalit ang Market Division ng lungsod ay maaring magrequest ng disinfection sa City Disaster Risk Reduction and Management Office kung kinakailangan.
Samantala, inalis na rin ang curfew sa lungsod.
Ang Dagupan City ay mayroon na lamang 134 na aktibong kaso ng COVID-19.
###
FARM AGRI-TOURISM SA MANAOAG, ININSPEKSYON – IDOL ELLA GARCIA
NAGSAGAWA ng inspeksyon at validation ang Provincial Tourism Office ng Pangasinan sa mga Farm Agri Tourism sites sa bayan ng Manaoag. Pinangunahan ni Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Maria Luisa A. Elduayan ang inspeksyon kasama na ang ilang kawani ng LGU-Manaoag Tourism. Binisita ng PTCAO team ang mga sakahan ng sampaguita sa Barangay Baritao at nakausap ang ilang sampaguita growers sa lugar. Isinagawa din ang hands-on tutorial kung paano gumawa ng sampaguita leis. Sunod na pinuntahan ng Validation Team ang Kabalikat People’s Farm doon din sa nasabing barangay. Huling binisita ng grupo ang Baba’s Eco Farm sa Barangay Inamotan kung saan bumungad sa mga ito ang naggagandahan sunflowers,iba’t-ibang bulaklak at sari-saring mga halaman. Ayon kay Elduayan, malaki ang potensyal ng tatlong farm-agri sites na kanilang pinuntahan at sinabing ito ang magpapalakas ng tourismo sa ating bayan. Ang farm tourism site validation ay isang inisyatiba na nakatuon sa pagtiyak na ang iba’t ibang destinasyon ng turista sa Pangasinan ay handa para sa muling pagbubukas ng turismo sa lalawigan at rehiyon.
###
MALASIQUI, KINILALA NG DTI BILANG ISA SA MOST IMPROVED LGUS SA BUONG BANSA – IDOL ARMAN SORIANO
Kinilala ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga competitive local government units (LGUs) sa isinagawang 2021 Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) Awarding and Recognition Ceremony matapos ang assessment at survey para sa taong 2021.
Kaugnay nito ay pinarangalan bilang ika-pitong most improved LGU sa buong bansa ang Lokal na Pamahalaan ng Malasiqui para sa kategorya ng mga 1st and 2nd class municipalities para sa nakaraang taon.
Ang CMCI ay ang taunang pagraranggo sa mga siyudad at munisipalidad sa Pilipinas batay sa apat (4) na competitive pillars na kinabibilangan ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, at resiliency.
Inanunsyo rin ng DTI na para sa taong 2022 ay idaragdag na rin ang innovation bilang ika-limang pillar sa scoring at ranking ng CMCI dahil kinikilala ng pamahalaan ang naging importansya nito sa gitna ng pandemya pati na ang maitutulong nito sa muling pagbangon ng ekonomiya at paghahanda para sa hinaharap.
Binigyang diin din ng DTI ang kahalagahan ng innovation pillar sa mga LGUs sa pagpapalakas ng kanilang mga polisiya at programa at paghahanap ng paraan kung paano masosolusyunan ang mga isyu kaugnay ng business registrations, permits, productivity, o financial deepening, at maging sa pagpapalawig ng lokal na ekonomiya.
Lubos na nagpapasalamat ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga empleyado ng LGU at sa publiko para sa kontribusyon sa pagkamit ng pagkilala.
###
250K NA INDIBIDWAL TARGET NA MABAKUNAHAN SA ILOCOS REGION SA NAGPAPATULOY NA BAYANIHAN BAKUNAHAN
TARGET na mabigyan ng bakuna ang 250, 000 na indibidwal sa Ilocos Region sa nagpapatuloy na Bayanihan Bakunahan Part 3.
Pinalawig ng Department of Health ang pagsasagawa ng Bayanihan Bakunahan hanggang sa ika-18 ng Pebrero upang mas maparami pa ang mabakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay DOH-CHD1 Regional Director, Dr. Paula Paz Sydiongco dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng covid-19 na maaring sanhi ng omicron Variant kailangang mabakunahan ang eligible population.
Prayoridad sa ikatlong Bayanihan Bakunahan ang pagbibigay ng first dose at booster dose sa 12 taong gulang pataas.
Sa huling datos ng DOH-CHD1, nasa 6, 708, 371 na ang bakunang naiturok sa mga residente ng rehiyon kung saan 3,197,397 ang fully vaccinated.
Tiniyak naman ni Bobis na dumaan sa masusing pag-aaral ang bakunang ituturok sa edad 5-11 sa pagsisimula nang pagbabakuna sa nasabing kategorya sa lunes, ika-14 ng Pebrero.
###
MGA BATANG EDAD 5-11 NA NAIPAREHISTRO ONLINE SA CONDRADO F. ESTRELLA REGIONAL MEDICAL AND TRAUMA CENTER, MAUUNANG SASALANG SA RESBAKUNA KIDS – IDOL ELLA GARCIA
UUNAHIN ang mga nagparehistro sa pamamagitan ng online ang mga batang edad 5-11 sa isasagawang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Condrado F. Estrella Regional Medical and Trauma Center sa Rosales Pangasinan.
Ang mga sasalang pagbabakuna ay mga nakatanggap ng text message para sa kanilang confirmation sa isasagawang Resbakuna kids Launching.
Isasagawa ito sa Rosales Covered Court mula 8:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.
Isa ang hospital na kabilang sa mga pilot implementation ng pagbabakuna sa nasabing edad sa rehiyon.
Nagpaalala naman ang hospital na bago isagawa ang pagbabakuna siguraduhing nakapag almusal ang mga ito bago magtungo sa vaccination site at naipaalam na sila ay tatanggap ng bakuna.
Kailangan ring ipaalam sa vaccination team kung nakararanas ang mga ito ng ubo, sipon, lagnat, panghihina at pananakit ng lalamunan upang ipagpaliban ang pagbabakuna.
###
HIGIT KUMULANG 200 NA LAG BENEFICIARIES MULA LA UNION, NAKATANGGAP NG FINANCIAL CAPITAL MULA SA DSWD REGION 1
Abot sa 51 mula sa 54 eligible beneficiaries ng Tubao, La Union ang nakatanggap ng PhP10,000 na halaga ng Livelihood Assistance Grant (LAG) bawat benepisyaryo kung saan umabot sa kabuuang PhP510,000.00 ang naipamahagi ng DSWD Field Office 1 – Sustainable Livelihood Program (SLP).
Mahigit isang daang benepisyaryo rin ang nakatanggap ng Livelihood Assistance Grant (LAG) sa bayan ng Agoo, La Union mula sa DSWD Field Office 1 – Sustainable Livelihood Program.
Ang bawat benepisyaryo sa nasabing bayan ay nakatanggap ng PhP10,000.00. Ang perang ito ay magsisilbing kapital para sa pagpapaunlad ng kani-kanilang napiling negosyo.
Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.
###
IKATLONG IMPLEMENTASYON NG NATIONAL VACCINATION DAY SA BAYAMBANG, MATAGUMPAY AYON SA TASK FORCE BAKUNA NG BAYAN
MATAGUMPAY muli sa ikatlong pagkakataon ang implementasyon sa Bayambang ng National Vaccination Day ng Task Force Bakuna ng naturang.
Kasabay ng muling pag arangkada nito ay ginanap mula February 10 hanggang 11 sa tatlong venue ang pagbabakuna kontra COVID19 na itinalaga dito na kinabibilangan sa harap ng Munisipyo, Cadre Site Covered Court, at Tatarac Covered Court habang nagpapatuloy ang pagbabakuna sa main vax site na Pugo Evacuation Facility.
Layunin ng aktibidad na ito na paigtingin ang pagbabakuna sa mga residente ng bayan upang mas maging ligtas laban sa COVID-19.
Samantala, tuloy din ang pagbibigay ng first at second dose ng COVID vaccines maging ng Booster Shots at kailangang magtungi sa Pugo Evacuation Center kung saan may mga itinakdang schedule para dito mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon para makapagbakuna.
###
PAGAWAAN NG ASIN SA INFANTA, BINISITA AT DUMAAN INSPEKSYON NG FDA BILANG PAGSIGURONG SUMUSUNOD SA POLISIYA – IDOL ARMAN SORIANO
NAGSAGAWA ng saturation drive ang FDA Region I, II, III at ang Cordillera Administrative Region (CAR) Food and Drugs Administration kasama ang Business Permits and Licensing Office Infanta sa labingwalong (18) pagawaan ng asin sa bayan.
Ang layon nito ay upang masigurong sumusunod ang mga ito sa polisiya at patakarang itinakda sa implementing rules and regulations ng Republic Act No. 8172, na may pamagat na “An Act Promoting Salt Iodization Nationwide”.
Ayon sa alkalde ng bayan katuwang ang lokal na pamahalaan ay sisikapin umano ng mga ito na mapabuti ang kalidad ng mga produkto dahil sa isa ang asin sa mga produktong ipinagmamalaki ng bayan.
Isa pa umano ang inspeksyon sa maaaring makapagsabi sa mga kailanang gawin upang mas mapaunlad ang industriya ng pag-aasin.
###
PAGSUNDO SA MGA OFW NAGPAPATULOY SA BAYAN NG AGUILAR
Nagpapatuloy sa pagsundo ang tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO aguilar para sa mga OFW na magnanais umuwi sa bayan.
Saad ng ahensya kanilang sinusundo ang mga OFW na natapos ang quarantine sa Lungsod ng Urdaneta at dinadala sa kanilang bayan upang ihatid sa kanilang mga tahanan.
Nabatid naman ang pasasalamat ng mga OFW na nasundo at naihatid ng ligtas sakanilang mga tahanan.
Samantala, sinisiguro ng ahensya na dumadaan sa dissenefction ang lahat ng sasakyang ginagamit sa pagsundo ng mga OFW.
###
DORMITORYO PARA SA MGA KATUTUBONG ESTUDYANTE IPAPATAYO SA PANGASINAN – IDOL KATH MANANGAN
Pinagpaplanuhan na ngayon ng National Housing Authority ang pagpapatayo ng dalawang palapag na dormitoryo para sa mga katutubong estudyante na nag-aaral sa Pangasinan State University, Asingan Campus
Saad ni ahensya, ito ay para sa mga estudyanteng umuuwi pa sa malalayong lugar na nag-aaral sa kolehiyo.
Dagdag pa nito, ang nasabing dormitoryo ay ipapatayo mismo sa loob ng eskwelahan na naglalayong matulungan ang mga katutubong estudyante upang hindi na mahirapan sa pag uwi.
Samantala , aabot sa dalawampung milyong piso ang inilaang pondo para sa nasabong dormitoryo.
###
GOOD NEWS
350 NA BUNTIS BAYAMBANG, MATAGUMPAY NA NABIGYAN NG FOOD PACKS MULA SA NATIONAL NUTRITION COUNCIL – IDOL TITA RONI