Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Jonathan Galutera, PWD Officer ng Cauayan City, mayroon na siyang isinumiteng 200 na pangalan ng mga PWD sa provincial office para mabigyan din ang mga ito ng livelihood assistance o pangkabuhayan.
Umaasa si Galutera na papasa lahat ang mga inindorsong pangalan para matulungan din ang iba pang Cauayeño na may kapansanan. Bukod dito ay isinasagawa naman ang assessment para sa isang daan (100) na benepisyaryo ng livelihood program ng LGU Cauayan.
Mula sa 100 na PWD beneficiaries ng LGU Cauayan ay nasa 32 na ang na-assess.
Target ng PWD Center ng Cauayan na bago matapos ang taong 2022 ay maibigay na ang livelihood assistance ng isang daang benepisyaryo.
Pumapatak sa halagang P5,000 hanggang P10,000 ang ibinibigay na tulong sa mga PWDs dipende sa kanilang kakayahan na makapag hanap-buhay.
Pinaliwanag ni Galutera na ang mga nabigyan ng tulong pangkabuhayan ay mahigpit na bineberipika ng Persons with Disability Affairs Office o PDAO at mayroon silang sinusunod na mga batayan.
Ang mga nakitaan namang benepisyaryo na hindi na active o hindi ginamit at pinalago ang natanggap na assistance ay hindi na bibigyan sa susunod na pamamahagi ng nasabing tulong.
Inamin ni Galutera na marami sa mga PWD beneficiaries ang hindi nakapagpalago sa natanggap na livelihood assistance dahil nagamit na ang mga ito sa ibang bagay o sa kanilang pangunahing pangangailangan.
Panawagan naman sa mga kapwa PWD na hindi pa nakakatanggap o nakakapag avail ng programa na sumangguni lamang sa PWD Center para mabigyan din ng tulong.