Ito ay may temang Isabela Hakab Na! 2022: Step Up for Breastfeeding.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga ina na magpa-breastfeed at mabigyan din ng sapat na kaalaman ang mga kababaihan kaugnay sa mga benepisyo ng breastfeeding tulad ng pagbibigay proteksyon sa anak laban sa sakit; pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ng sanggol at mas mabilis na paglaki ng baby.
Bukod dito ay para maitaas pa ang kaalaman ng publiko kaugnay sa kahalagahan ng pagpapabreastfeed kumpara sa pagpapainom ng formula milk.
Samantala, bukod sa ginawang oryentasyon sa mga dumalong nanay o may anak na sanggol, ay binigyan din ang mga ito ng nursing accessories at bitamina at iba pang supplement.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina City Mayor Jaycee Dy Jr at Vice Mayor Leoncio Bong Dalin at ilang mga konsehal ng Lungsod ng Cauayan.