ALTERNATIBONG DAANAN AT TUNGTUNGAN PARA MGA BAHAGING MAY PAGBAHA SA ETERNAL GARDENS, INIHAND

Sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa Eternal Gardens Memorial Park ngayong undas 2022, inihanda ang alternatibong daanan at tungtungan para sa mga dadalaw dahil sa malalim na pagbaha sa ilang bahagi nito.

Ang mga inihandang daanan ay para sa bahaging Court of Lady Manaoag. Dahil nga may pagbaha ang main entrance papunta sa mga bahagi nito, nilagyan ito ng makitid na tungtungan para makatawid ang mga dadalaw sa bahaging Court of Lady Manaoag at Court of St. John the Evangelist.

Itinayo rin ang hawakan na aalalay sa makitid na tawiran upang maiwasan ang mga pagdulas at pagkahulog sa tubig baha.

Inaanyayahan naman ang mga bibisita na mag-bota na lamang para na rin mas maging maayos ang kanilang dalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. |ifmnews

Facebook Comments