PROGRAMANG ENHANCED PARTNERSHIP AGAINST HUNGER AND POVERTY, PATULOY NA INILULUNSAD SA REHIYON UNO

Patuloy na inlulunsad ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty sa Ilocos Region na naglalayong mabawasan ang kaso ng gutom sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pagkain sa mga government feeding at food program.
Kaakibat ng mga relief operation na tinitiyak din ang seguridad ng pagkain at nutrisyon, ang pagpapahusay sa mga produktong ibinabahagi sa pamamagitan ng Business Enhancement Intervention. Ito ay upang magkaroon ng masustansyang pagkain na mailalagay sa merkado.
Mayroon namang dalawampu’t limang ahensya ng gobyerno ang magtutulong-tulong sa patuloy na paglulunsad ng nasabing programa.

Ilan dito ay ang DSWD, Department of Agriculture, DILG, NIA, DEPED, DOST, DTI, BFAR, DOH, National Nutrition Council, NFA, PopCom, TESDA, Philippine Insurance Corporation at iba pa.
Maisasakatuparan ang isa sa mga programang nakapaloob sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty sa gaganaping EPAHP Trade Fair sa November 14-16 sa City Mall Urdaneta.
Layunin din ng programa na mabawasan ang kahirapan sa komunidad sa pamamagitan ng pagtangkilik at pagtulong sa mga aktibidad ng mga Farmers’ Association at Cooperatives na tuluyang makapagpapataas ng kanilang income na magpapanatili ng magandang takbo sa sektor ng agrikultura. |ifmnews
Facebook Comments