4K MAGSASAKA SA BAYAMBANG, IKALAWANG BATCH SA MGA TUMANGGAP NG FINANCIAL ASSISTANCE MULA SA DA

Muling nagsagawa ng pamamahagi ng financial assistance ang Department of agriculture sa mga magsasaka sa bayan ng Bayambang.
Nasa 4,016 magsasaka sa bayan ang nakatanggap ng cash cards para sa second batch ng financial assistance mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund ng ahensya sa tulong ng Municipal Agriculture Office at Landbank.
Isinagawa ang pamamahagi ng ayuda sa Pugo Evacuation Center sa Brgy. Pugo.

Ayon sa Agriculture Office ng Bayambang, ang bawat magsasaka ay tumanggap ng P5,000 na nakarehistro sa updated Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may sinasaka na di lalagpas sa dalawang ektarya.
Ang ayudang tinanggap ng mga magsasaka ay buo at walang anumang bawas. | ifmnews
Facebook Comments