Manila, Philippines – Nag-abiso ngayon ang Globe Telecom sa kanilang mga Customers sa Basilan, Camiguin, Zamboanga, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Lanao, Tawi-Tawi at Sulu na magkakaroon ng disruption o magiging mahina ang kanilang signal.
Dahil ito sa isinagawang pagmementina ng DPWH sa drainage project sa Iligan.
Ayon kay Globe General Counsel Atty. Froilan Castelo, maghahain sila ng formal protest sa DPWH at sa Lanao builders contractor dahil sa idinulot nitong aberya sa kanilang mga customers.
Sa ngayon – isinasaayos na ng globe technical team ang nasabing aberya at tiniyak na ibabalik ang kanilang serbisyo sa lalong madaling panahon.
DZXL558
Facebook Comments