Mga May-ari ng Baril na May Pasong Lisensya sa Bayan ng San Guillermo Isabela, Pinaaalalahanang Isuko Muna Sa Pangangalaga Kapulisan!

San Guilliermo, Isabela- Muling nagpapaalala ang PNP San Guiliermo sa mga residente sa naturang bayan na isuko muna ang kanilang mga baril na paso ang lisensya upang makaiwas sa anumang aberya.

Ito ang ipinaalala ni Deputy Chief of Police, Police Inspector George Dayag sa kanyang naging pakikipag ugnayan sa RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo.

Aniya sa ngayon ay marami na umano ang mga kusang nagsumiti ng kanilang mga baril sa kanilang tanggapan dahil ang ilan sa mga ito ay expired na umano ang lisensya at ayon pa kay PI Dayag ay dapat ipasakamay muna ang mga ito sa pag-iingat ng PNP San Guillermo upang makaiwas sa anumang aberya.


Karamihan umano sa kanilang mga nakuha ay mga paso na ang lisensya kaya’t puspusan naman ang kanilang paghikayat sa mga tao na ipasakamay muna ang mga ito sa tanggapan ng PNP sa kanilang bayan para na rin umano sa seguridad ng bawat isa.

Samantala, pinuri naman ni PI Dayag ang pagiging tahimik at mapayapa ng kanilang bayan dahil narin umano sa mgandang ugnayan ng LGU at iba pang mga opisyal sa kanilang bayan.

Facebook Comments