Thursday, April 9, 2026

Live Painting Event ng WPS Mural Festival 2026, isinagawa sa pader ng Camp Aguinaldo

Nagsagawa ng Live Painting Event ang West Philippine Sea Mural Festival 2026 na inorganisa ng mga volunteer na muralist sa kahabaan ng pader sa Camp Aguinaldo sa Boni Serrano, Avenue Quezon City ngayon Huwebes, April 9 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

Layon ng aktibidad na mas mapalawak pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa usapin sa West Philippine Sea.

Sa magkakahiwalay na pahayag ng mga stakeholders, mariin nilang ipinahayag na sa atin ang West Philippine Sea at dapat nating itong ipaglaban.

Anila, kailangan nating ipakita sa China na hindi tayo papaapi at patuloy nating ipaglalaban ang ating karapatan; lalo’t hindi lang mangingisda ang apektado sa nasabing usapin.

Dumalo sa naturang Event ang mga miyembro ng Kabataan sa Kartilya sa Katipunan, mga freelance artist, mangingisda, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Bukas ang registration ng naturang Event para sa publiko na interisadong lumahok nationwide.

Facebook Comments