LIVE STREAM | Rehabilitasyon sa Marawi at Boracay, pinalalagyan ng live streaming ng isang Senador

Manila, Philippines – Iminumungkahi ni Senator Ralph Recto ang paglalagay ng mga jobsite cameras sa Boracay at Marawi, upang masubaybayan ng publiko ang proseso ng pagsasailalim sa rehabilitasyon ng dalawang lugar.

Ayon kay Senator Recto, ang cleanup at ang reconstruction sa Boracay at Marawi ay dapat na i-live stream upang matiyak na ang mga plano sa dalawang lugar ay maisasakatuparan sa itinakdang oras, budget at pamamaraan.

Maaari rin aniya na ang dalawang lugar na ito ang tatayong pilot area, para sa mga susunod pang malalaking proyekto ng gobyerno na gagamitan na rin ng drone at satellite imaging.


Mungkahi pa ng senador, maglagay na rin ng real-time monitoring ng mga infrastructure project sa Malacañang, upang mababantayan at mainspeksyon ng Pangulo ang proyekto ng gobyerno, kailan man nito naisin.

Facebook Comments