Livelihood Assistance para sa mga Kababaihan, Ibinigay Kasabay ng Women’s Month

Cauayan City, Isabela- Ipinamahagi sa mga kababaihan mula sa Lungsod ng Cauayan ang tulong pangkabuhayan kasabay ng pagdiriwang ng Women’s month na nagsimula ngayong araw, Marso 1, 2021.

Dinaluhan ang programa na may temang “Juana Laban sa Pandemya: Kaya! ng buong Council ng lungsod at ng alkalde na si City Mayor Bernard Dy.

Ang programa ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office.


May kabuuang, may 250 ang piling beneficiaries mula sa Cauayan City.

Ang mga ito ay mula sa mahihirap na vulnerable sector ng kababaihan, mga solo parents, drug surrenderees at PWD’s.

Maliban dito, masaya ring ibinalita na may karagdagang 500 kababaihan ang makakatanggap ng assistance mula sa Provincial Government.

Ito ay magsisilbi ding launching ng RA 8972 o Solo Parent Act sa Lungsod.

Facebook Comments