Livelihood assistance para sa mga mahihirap nating kababayan, nakahanda na at ipamimigay sa oras na tanggalin ang umiiral na ECQ

Sa layuning magtuluy-tuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Inanunsyo ni Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na mayroon ng pondong nakalaan ang gobyerno para sa livelihood assistance program.

Ayon kay Nograles, iba pa ito sa 5,000 hanggang 8,000 pisong financial assistance ng pamahalaan na nakapaloob sa Social Amelioration Program (SAP).


Paliwanag ni Nograles, sa oras na i-lift o tanggalin na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay doon na ipapamahagi ang panibagong cash assistance.

Pinaplantsa na lamang ang detalye kung sinu-sino ang mapagkakalooban ng naturang pondo.

Facebook Comments