LIVELIHOOD KITS, IBINAHAGI SA QUEZON AT SAN MANUEL, ISABELA

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ng livelihood kits ang mga benepisyaryo sa bayan ng Quezon at San Manuel, Isabela sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Livelihood Program.

Dalawang biktima ng sunog (2) sa bayan ang Quezon ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan habang nakatanggap rin ng kits ang limang apektado ng nakaraang mga sakuna sa San Manuel.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal at kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 02.


Hinimok ng Kagawaran ang mga benepisyaryo na palaguin at gamitin ang mga natanggap na tulong upang muling makabangon at makapagsimula sa kanilang pamumuhay.

Pokus ng PPG Livelihood Program na matulungan ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na naapektuhan ng mga sakuna at kalamidad upang muling makapagsimula ng kanilang negosyo.

Facebook Comments