CAUAYAN CITY – Nabigyan ng livelihood kits ang 24 na magulang ng batang manggagawa sa bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Cagayan.
Kabilang sa naipamahagi ay ang Rice and Feeds Retailing, Welding Services, Street food Vending, Frozen Food Vending at Ihawan mula sa Integrated Livelihood Program ng DOLE Region 2.
Bukod sa tulong pangkabuhayan ay binigyang pansin din ng ahensya ang pagbabalik sa eskwelahan ng mga natukoy na child laborers.
Ang nasabing pagbibigay ng tulong ay may kaugnayan sa patuloy na adbokasiya ng ahensya laban sa child labor hindi lamang sa lalawigan ng Cagayan, maging sa buong Rehiyon Dos.
Facebook Comments