Livelihood loans, alok ng OWWA para sa mga OFW

Magkakaroon ng livelihood loans o pautang pangkabuhayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ayon kay Administrator Hans Leo Cacdac, inaprubahan na ng OWWA board na pinamumunuan ni Labor Chief Secretary Silvestre Bello III ang group livelihood program na nakatakdang magsimula sa Setyembre.

Aniya, aabot sa P150,000 hanggang P1 milyon ang maaari nilang mapahiram sa mga OFW.


Gayunman, hindi ipinaliwanag ni Cacdac ang mga kinakailangan sa aplikasayon para sa group livelihood assistance.

Nabatid na umabot na sa 165,000 OFWs ang natulungan ng OWWA na makabalik sa kanilang rehiyon mula May 15.

Nasa 50% hanggang 60% sa mga ito ang nag-apply para sa P10,000 cash aid mula sa Abot Kamayang Pagtulong  (AKAP) program.

Facebook Comments