Livelihood programs para sa mga residente ng Makati, tuluy-tuloy pa rin sa pagtanggap ng mga trainees

Patuloy pa rin ang Makati Social Welfare Department sa pagtanggap ng mga enrollees at trainees sa kanilang livelihood program.

 

Nagsimula ang pagtanggap ng mga trainees nitong unang Linggo ng Oktubre at patuloy pa rin ang kanilang pagtanggap sa mga nais matuto sa kanilang livelihood project.

 

Samantala, sa mga gustong humabol maaari pa silang magpatala bukas sa multi purpose hall sa West Rembo Zero Block katabi lamang ng PNP station.


 

Kabilang sa mga livelihood na ituturo ay dress making, fashion designing, pattern making, cosmetology at reflexology.

 

Ang mga pagsasanay ay tatagal ng anim na buwan habang ang reflexology ay sa loob naman ng 20 araw.

 

Bukas pa ang aplikasyon para sa lahat ng mga residente ng Makati, walang age limit basta dalhin lamang ang mga sumusunod na requirements:

 

Barangay clearance

Voter’s certificate o kahit claim stub

Photocopy ng ID

At 1×1 photo.

Facebook Comments