LIVELIHOOD TRAINING PARA SA MGA KABATAANG MAY KAPANSANAN SA MANGATAREM, ISINAGAWA

Sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan ay magandang nakikita pa rin na tawagin silang differently abled dahil may kakayahan pa rin ang mga ito na makagawa ng isang bagay o makapaghanap-buhay.
Nagsagawa ng isang livelihood training para sa mga kabataang may kapansanan ang lokal na pamahalaan ng Mangatarem katuwang ang MSWD at PDAO Office.
Layuning ng programang ito na matulungan ang sektor ng mga kabataan at indibidwal na sila ay magkaroon ng pagkakaabalahan at maging isang produktibong kabilang ng lipunan at maidadagdag rin nila sa kanilang mapagkakakitaan at basic skills na rin ang kanilang mga matututunan sa naturang livelihood training lalo na at magandang makapagsimula sila sa linya ng pagnenegosyo.

Sana naman umano ay magbukas ng oportunidad sa lahat ng mga differently abled na beneficiary ang naturang training lalo na sa mga kabataan.
Pagpapatunay rin umano ito na ang lahat ng kabataan na may kapansanan man o wala ay ay may kakayahang makatulong sa ikauunlad ng lipunan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng bayan, asahan umano na hindi mawawala sa kanilang prayoridad ang mga SPED sa kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments