Livestock at poultry production ng Pilipinas, nabawasan ng 3.3% sa unang quarter ng 2021

Naitala ang kabawasan na 3.3% sa produksyon ng karneng baboy at manok sa bansa sa unang quarter ng 2021.

Ito ang datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) base sa ginawa nilang pagsasaliksik para sa Value Production for Philippine Agriculture and Fisheries mula January hanggang March 2021.

Ayon sa PSA, nasa -23.2% ang nabawas sa produksyon ng karneng baboy habang nasa -7.4% naman ang nabawas sa suplay ng manok.


Ang paglaganap ng African Swine Fever o ASF ang isa sa mga dahilan kung bakit nabawasan ang suplay ng karneng baboy at manok.

Bahagya namang tumaas ang produksyon o suplay ng isda kung saan nakapagtala ng 0.6%.

Bumawi naman ang Pilipinas sa suplay ng gulay dahil dumami ang ani ng mga magsasaka at naitala ng PSA na 3.3% ang kabuuang crops production mula Enero hanggang Marso 2021.

Facebook Comments