Livestreaming ng BiCam Deliberations sa proposed 2026 budget, tiyak makatutulong na maibalik ang tiwala ng publiko

Tiwala ang mga kongresistang kasapi ng Young Guns na makakapagpabalik sa tiwala ng publiko ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-livestream ang Bicameral Conference Committee Deliberations sa proposed P6.793-trillion 2026 National Budget.

Magugunitang una itong isinulong ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez bago pa man magsimula ang pagtalakay ng 20th Congress sa 2026 proposed national budget.

Ayon kay Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, na vice chairman din ng Committee on Appropriations, ang pahayag ni PBBM ay umaayon sa pagsisikap ng House of Representatives na maging lubos na bukas sa publiko ang proseso ng paghimay at pagpasa sa pambansang budget.

Diin naman ni House Deputy Speaker at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega, ang deriktiba ni President Marcos ay game-changer na magbabalik sa tiwala ng mamamayan sa mga institusyon.

Facebook Comments