Livestreaming ng e-rallies ng mga kandidato, inilunsad ng COMELEC

Inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang plataporma na maghahatid ng libreng livestreaming ng e-rallies ng mga kandidato sa 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, layon ng Campaign S • A • F • E • COMELEC e-Rally Channel sa Facebook na bigyan ng airtime ang lahat ng tumatakbo sa pagkapangulo, bise presidente, senador, at party-list.

Aniya, maglalabas sila ng kaukulang guidelines kung paano makakalahok ang mga kandidato at mga party list organization sa e-Rally Channel.


Makakatulong din aniya ang platform na ito sa mga kandidato may maliit na bilang ng supporters.

Giit ni Jimenez, magsisimula sa February 8, 2022 ang livestreaming ng e-rallies kada gabi sa official social media accounts ng COMELEC.

Narito ang schedule ng e-rally timeslots sa bawat elective position:

Presidential – 10 minuto – 3 slots/gabi
Vice-Presidential – 10 minuto – 3 slots/gabi
Senatorial – 3 minuto – 5 slots/gabi
Party-List Organization – 3 minuto – 5 slots/gabi
Political Parties – 10 minuto – 3 slots/gabi

Facebook Comments