Liza Diño-Seguerra, ikinalungkot ang pagbibitiw sa pwesto ng apat na miyembro ng MMFF executive committee

Manila, Philippines – Ikinalungkot ngayon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang ginawang pagre-resign ng apat na miyembro ng Metro Manila Film Festival (MMFF) selection committee.

Ayon sa chairperson ng fdcp na si liza diño seguerra, hindi biro ang ginawang pagbibitiw nina Rolando Tolentino, Ricky Lee, Kara M. Alikpala at Ed Lejano dahil siguradong mahihirapan sila sa bawat desisyon ng nasabing committee.

Hindi din nila alam kung ano ang dahilan ng huling nagbitiw na si Lejano pero maaaring tulad din ito ng mga naunang umalis sa pwesto.


Magkaiba din daw ang mga pananaw ng bawat miyembro ng MMFF executive committee kaya’t hindi nagkakasundo kung sino ang may mga gusto ng commercial o maituturing na art film para maging bahagi ng mmff ngayong taon.

Sa huli sinabi nito na siguradong karapat-dapat ang mga napiling pasok sa tinatawag na “magic 8″ ng MMFF at kaniya din iniimbitahan ang lahat sa nalalapit na “Pista ng Pelikulang Pilipino” sa August 16-22 kung saan mapapanood ito sa lahat ng sinehan sa buong bansa.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments