Tuesday, January 20, 2026

Liza Soberano at Ivana Alawi, pasok sa “The 100 Most Beautiful Faces’ ng TC Candler

Pasok sa listahan ng TC Candler’s “The 100 Most Beautiful Faces” ang vlogger-actress na si Ivana Alawi at aktres na Liza Soberano.

Ito ang unang pagkakataon na napili si Ivana at nasungkit ang 11th spot sa listahan.

Habang ika-anim na beses nang napili si Liza kung saan itinanghal ito bilang ‘”The Most Beautiful” noong taong 2017 ni TC Candler .

Nag-number one naman sa listahan ang Isaraeli model na si Yael Shelbia habang pasok rin ang member ng K-Pop girl na Blackpink na si Lalisa Manoban at si Nancy McDonie ng Momoland.

Ayon kay TC Candler, ang listahan ay hindi tungkol sa kung sinong artista o babae ang pinaka-hot o pinakamaganda dahil layon nitong ipaalam at mas palawakin pa ang opinyon ng publiko.

Facebook Comments