Liza Soberano, bibida sa isang Hollywood film

Kumpirmado na ang pagbida ng aktres na si Liza Soberano sa upcoming horror-comedy film na “Lisa Frankenstein”.

Ito ay matapos i-post ni Liza ang secreen grab ng article ng American online news site na Deadline tungkol sa kaniyang kauna-unahang Hollywood film.

Makakasama ng aktres ang mga Hollywood artists na sina Cole Sprouse, Kathryn Newton, Carla Gugino, Joe Chrest at Henry Eikenberry.


Nauna nang umusbong ang usap-usapan sa pagganap ni Liza sa “Lisa Frankenstein” noong August 9 nang ma-tag siya sa isang post tungkol sa isang movie ni Jessie Stafford ng Hollywood event production agency na JSLA Events.

Nadagdagan din ang ispekulasyon ng mga fans nang finollow siya nina Sprouse, Newton at ang director na si Zelda Williams sa Instagram.

Facebook Comments