Walo, patay sa serye ng karahasan sa isang border city sa Mexico

60

Patay ang walong katao kasunod ng naganap na serye ng karahasan sa border city ng Juarez sa Mexico nitong Huwebes.

Ayon sa mga otoridad, nagsimula ang insidente matapos masawi ang dalawang preso sa isang riot sa kulungan na nag-iwan ng apat na sugatan.

Noong ding araw na iyon ay dalawang babae naman ang patay at isa ang sugatan matapos silang atakihin sa kinakainang food shop.


Maliban sa naturang tindahan ay dalawa pang estabilisiyimento ang sinunog ng mga kawatan.

Pagkagat naman ng dilim ay pinagbabaril ng mga armadong lalaki ang apat na empleyado ng isang radio stations na lumahok sa isang promotional event ng isang pizza restaurant.

Nagpaabot naman si Chihuahua Governor Maru Campos ng pakikiramay sa mga nasawing indibidwal sa Juarez at nagpadala na ng mga tao upang i-restore ang lungsod.



Mababatid na naganap ang pamamaslang sa Juarez dalawang araw matapos magkaroon din ng karahasan sa bahagi naman ng Jalisco at Guanajuato.

Facebook Comments