Kumpirmadong kumuha ang 20 year old Kapamilya Star na si Liza Soberano ng kursong Psychology. Ito ay matapos ipahayag ng Southville International School and Colleges sa kanilang facebook page na nag-enroll ang aktres sa kanilang INNOVE Education Solution Program.
Noong taong 2014 ay nagtapos ng high school si Liza sa St. Patrick’s School sa Quezon City. Ayon sa aktres, ang kanyang biggest dream ay maging isang abugado. Ito ay matapos nya sabihin sa DZBB (radio station hosted by Ogie Diaz at MJ Felipe) na siya ay pwede namang mag-aral sa United States sapagkat ang kanyang lolo ay isang US army at kung siya ay mag-aaral ay gusto sana ng aktres sa military ngunit ito daw ay malayong mangyari ngayon.
Nakarang 2017 ng sundan ng aktres ang yapak ng kanyang love team partner na si Enrique Gil upang mag-enroll sa Southville International School. Ngunit makalipas ang ilang buwan ay sinabi ng dalaga na nangangarap pa rin syang maging isang abugado at makamit ito paunti-unti sa pag-uumpisa ng BS Psychology bilang kanyang pre-law program.
“I wanted it to be my pre-law, but right now I’m kind of like more on the psychology side instead of the law side” pahayag ng aktres.
Liza Soberano, nag-enroll sa kursong Psychology
Facebook Comments