Liza Soberano, napiling Save the Children PH ambassador

63

Opisyal nang child rights advocate ang aktres na si Liza Soberano matapos na italagang ambassador ng Save the Children Philippines.

Para kay Liza, “dream come true” na maging bahagi ng organisasyon at malaking bagay ito para mas makatulong siya sa mga tao.


Taong 2018 nang lumahok ang aktres sa “Lahat Dapat” campaign ng organisasyon laban sa kagutuman at malnutrisyon.

Habang sinuportahan din niya ang #SaveWithStories noong 2020 na layong makalikom ng pondo para sa Project ARAL (Access to Resources for Alternative Learning) na tumutulong sa mga batang galing sa mahihirap na pamilya at may disabilities na magkaroon ng alternative learning modalities sa gitna ng pandemya.

Pero bago ito, si Liza ay tahimik ding nagdo-donate sa child rights organization at tumutulong sa mga bata sa Uganda simula pa noong 2016.

Facebook Comments