Liza Soberano, pinayagan nang magkaroon ng boyfriend

268
Manila, Philippines – Okay na raw para sa manager na si Ogie Diaz na magkaboyfriend si Liza Soberano.
 
Say ni Ogie, sa edad na 19 ay nasa wastong edad na ang alagang aktres.
 
Aniya, natupad na rin naman raw ni Liza ang pangako sa sarili na bago siya magka-boyfriend ay magpupursige itong magkaroon ng bahay at kotse.
 
Naipundar na raw kasi ni Liza ang mga yun at may sarili na rin itong negosyo.
 
Itinanggi din ng talent manager na hindi kasama sa kontrata ni Liza ang pagbabawal na magka-boyfriend.
 

Facebook Comments