LJ Reyes, emosyonal na kinumpirma ang hiwalayan nila ni Paolo Contis!

Emosyonal na kinumpirma ng aktres na si LJ Reyes ang naging hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis matapos ang anim na taong relasyon.

Ayon kay LJ, matagal na niyang nararamdaman na parang nanlalamig na raw ang dating nobyo sa kanila ng 2-year-old baby nila na si Summer.

Say ng aktres, kung hindi lang daw sa pananampalataya niya sa Panginoon ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin.


Unang lumabas ang isyung hiwalay na ang dalawa matapos i-unfollow ni Contis si Reyes sa Instagram kasabay ng pagtanggal din ni Paolo ng mga litrato nila sa kaniyang account.

Samantala, hindi naman third party ang naging dahilan ng breakup ng dalawa ayon sa manager ng aktor na si Lolit Solis.

Facebook Comments