US President Joe Biden, nanindigang wala na siyang balak palawigin pa ang giyera sa Afghanistan kontra Taliban

Dumepensa si US President Joe Biden sa desisisyon nilang tuluyan nang paatrasin ang tropa ng US military na nasa Afghanistan.

Ayon kay Biden, maituturing pa rin naman na matagumpay ang kanilang evacuation sa 120,000 na amerikano, Afghan at iba pa nilang mga kaalyado.

Bagama’t inulan ng batikos mula sa ibang bansa dahil sa naging desisyon, nanindigan naman si Biden na wala na siyang balak na paliwigin ang giyera laban sa Taliban.


Habang sa ngayon, nasa 100 na amerikano at libu-libo pang katao ang naiwan sa Afghanistan na pinamumunuan na ngayon ng Islamist militant group.

Facebook Comments