LMB President Panganiban na Inambus Kamakailan, Vehicular Accident Lamang, Ayon sa PNP Angadanan!

Angadanan, Isabela – Nilinaw ni Police Senior Inspector Ardee Tion, hepe ng Angadanan Police Station na hindi ambush ang nangyari kay Liga ng Mga Barangay (LMB) President Reynaldo Panganiban ng Angadanan kamakailan.

Ayon pa kay Senior Inspector Tion na sa masusing imbestigasyon ng kaniyang pamunuan ay walang tama ng baril si Panganiban maging ang kanyang sasakyan.

Paliwanag pa ng opisyal na sumabog lamang ang dalawang gulong ng sasakyan ni Panganiban na inakalang putok ng baril ang narinig nito sa oras ng pangyayari at nakainom lamang ang LMB President.


Samantala, maituturing umano na sarado ang isyu na inambush si Panganiban dahil ito ay isang vehicular accident lamang.

Matatandaan na si LMB President Reynaldo Panganiban, kapatid ni ANAC-IP’s Congressman Bentot Panganiban ay maswerte umanong nakaligtas matapos na inambush kamakailan na base rin sa inireklamo nito sa himpilan ng pulisya pagkatapos ng pangyayari.

Facebook Comments