Lalaking Nanaksak sa Kapatid, Dinakip sa Tumauini, Isabela!

Tumauini, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang lalaki matapos na saksakin ang sariling kapatid matapos magka-alitan sa Brgy. Paragu Tumauini, Isabela kamakailan.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang suspek na si Roque Taccad, singkwentay nuwebe anyos, magsasaka habang ang biktima at kapatid naman nito ay kinilalang si Nolasco Taccad, kwarentay siyete anyos, may asawa, contractor at parehong residente ng Brgy. Paragu, Tumauini, Isabela.

Sa imbestigasyon naman ng Tumauini Police Station, nagkaroon umano ng unang alitan ang magkapatid at pinagbabawalan ng biktima ang suspek na tumira sa kanilang bahay dahilan upang saksakin ng suspek ang biktima gamit ang isang kutsilyo.


Nagtamo ng saksak sa bahaging tiyan at bandang kilay ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan.

Agad namang hinuli ng mga rumespondeng pulis ang suspek at dinala sa kanilang himpilan maging ang kutsilyong ginamit sa pananaksak.

Nakapiit na sa Tumauini Police Station ang suspek na mahaharap ngayon sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments