LMP PANGASINAN, IPINAG-UTOS ANG MALALIMANG IMBESTIGASYON SA PAGKAMATAY NG ISANG DALAGA SA BUGALLON

Ipinag-utos ngayon ng League of the Municipalities Pangasinan Chapter ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang bente dos-anyos na dalaga sa bayan ng Bugallon.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay LMP Pangasinan Chapter President at Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, agad nitong ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon kaugnay dito, kung saan ay nakitang walang saplot pang-ibaba ang biktima.
Ayon sa alkalde, maituturing na alarming ang ganitong insidente dahil mangilan-ilan lamang ang ganitong kaso subalit isa itong klase ng karumal-dumal na krimen.

Ayaw aniya ng LMP na isang fall guy ang iharap sa mga tao bagkus ay ang totoong salarin.
Linggo ng umaga ng matagpuan sa isang irrigation canal na palutang lutang ang bangkay ng biktima na nakilalang si Roxanne Ocampo.
Pinaniniwalaang ginahasa muna ito bago pinatay at itinapon sa nasabing mini dam sa Brgy. San Francisco sa Bugallon. |ifmnews
Facebook Comments