PBBM, bibisita sa Punong Tanggapan ng IRRI sa Laguna

Pupunta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Los Baños sa lalawigan ng Laguna.

Sasadyain ng presidente ang Punong Tanggapan ng IRRI o International Rice Research Institute na kung saan ay inaasahang magsasagawa ng tour ang pangulo.

Titingnan ng pangulo ang mga display ng imbensiyon may kinalaman sa pagpaparami, pagpapaganda ng kuwalidad ng bigas at iba pa.


Inaasahang magiging bahagi rin ng aktibidad ng pangulo sa IRRI ang pakikipag-pulong kay IRRI Director General si Jean Balié.

Susundan naman ito ng Board of Trustees Meeting na pangungunahan ni Pangulong Marcos na inaasahang hihingi ng update sa mga hakbanging ginagawa ng IRRI patungkol sa pagsasaliksik na ginagawa nito na may kinalaman sa bigas.

Facebook Comments