LOAN GRANT | Higit P20-B loan para sa improvement ng defense at transport sector ng Pilipinas, ipinagkaloob

Manila, Philippines – Ipinagkaloob ng Japanese government sa Pilipinas ang nasa ₱22.79 billion loan para sa mapalakas ang defense at transport sector ng bansa.

Kapwa nilagdaan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda ang ₱5 billion para sa maintenance at rehabilitation ng UH-1H helicopters ng Philippine Airforce at ₱17.79 billion para sa rehabilitation ng buong system ng Metro Rail Transit line-3 (MRT-3).

Sakop ng loan grant para sa choppers ay ang spare parts nito at maintenance equipment na binubuo ng airframe structure, dynamic power system, control system, rotor system, hydraulic system, electrical system, instrument system, accessory equipment at iba pa.


Ginagamit ang mga helicopters sa humanitarian assistance and disaster relief, transport and intelligence, surveillance at reconnaissance.

Para sa MRT-3 project, ang loan ay layuning pondohan ang rehabilitasyon ng rail system, kabilang na ang general overhaul ng 72 bagon o Light Rail VEHICLES (LRV) at ang day-to-day maintenance.

Bukod dito, aayusin din ang riles, power supply, overhead catenary, radio system, mga CCTV, public address system, signaling system, road rail vehicles, depot equipment, elevators at escalators.

Ang overall rehabilitation ng MRT-3 ay magtatagal ng 43-buwan.

Facebook Comments