MANILA – Inilunsad ng Social Security System o SSS ang loan restructuring program para miyembro nitong may balanse pa mula sa kanilang calamity loan.Ayon kay SSS Asistant Vice President for Member Loan Boobie Angle Ocay, apat na milyong miyembro ng SSS na may hindi nabayarang calamity o salary loan ang makikinabang.Aniya, tatanggalin na ang penalty at tanging principal amount at interes na lang ang babayaran ng miyembro.Paliwanag ni Ocay, sakop sa programang ito ang mga nakakuha na nang loan noon pang Dekada 90 o calamity loan mula 2009 hanggang 2015 basta nakatira ang mga ito sa mga nasalanta ng kalamidad.Bukod naman sa salary at calamity loan, kasama rin sa loan restructuring program ang iba pang short term loans.Paalala naman ng sss sa apat na milyong miyembro na may utang na hanggang April 27, 2017 lang tatagal ang loan restructuring program.Hindi na rin maaaring makasali sa mga susunod na penalty condonation program ng sss ang mga mag-aavail ng restructuring.
Loan Restructuring Program Para Sa Mga May Balanse Pa Mula Sa Kanilang Calamity Loan, Inilunsad Ng Social Security Syste
Facebook Comments