Loan window program, ibinalik na ng GSIS

Ibinalik na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang loan window program kung saan pwedeng pagsamahin at ilipat ng kanilang mga miyembro ang kanilang loan ng hanggang sa P500,000 mula sa iba pang lending firm papunta sa state pension fund.

Ayon kay GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet, ang loan window program ay sa pamamagitan ng email o drop box sa ilalim ng GSIS Financial Assistance Loan (GFAL).

Dahil dito, maaaring magbayad ang state pension fund ng outstanding balance sa mga kwalipikadong miyembro ng hanggang P500,000 sa kanilang mga lenders sa ilalim ng GFAL.


Paliwanag pa ni Macasaet, ang mga miyembro ay maaaring maging kwalipikado sa GFAL kung ito ay; permanenteng empleyado ng pamahalaan na may outstanding loan sa mga lending institution, government bank, cooperative, o iba pang mga instrumentality na kinikilala ng ahensya; nakabayad ng GSIS premiums ng hanggang tatlong taon; at walang due at demandable GSIS loan.

Pinalawig naman hanggang December 31, 2020 ang aplikasyon sa GFAL na una nang sinuspinde nitong ika-14 ng Marso dahil sa COVID-19.

Facebook Comments