Nag-anunsyo na ang local air carriers ng pagbaba sa Fuel Surcharge Cost.
Kasunod ito ng kautusan ng Civil Aeronautics Board o CAB sa lahat ng airlines.
Kabilang sa nag-anunsyo ang AirAsia Philippine, Cebu Pacific at Philippine Airlines.
Ang AirAsia Philippines ay nagbaba ng FSC sa Level 6 mula level 7.
Sa harap na rin rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong papalapit ang Semana Santa at ang summer.
Bunga nito, sinabi ni AirAsia Philippines Communications at Public Affairs Head Steve Dailisan na sa ilalim ng FSC Level 6, ang mga pasaherong magbo-book ng kanilang flights sa April, magkakaroon lamang ng charge na P185 hanggang P665 para sa domestic flights.
Habang sa international flights ay P610.37 hanggang P949.51 lamang ang charge o depende sa layo ng destinasyon.
Inaabangan naman ang anunsyo ng iba pang local air carriers.