Local celebrities, humanga sa katapangan ng anak ng broadcaster na si Anthony Taberna na si Zoey Taberna na nakikipaglaban ngayon sa sakit na Leukemia

78

Nagkaisa ang maraming celebrities sa pagbibigay ng encouraging messages at dasal para sa tuluyang paggaling ng panganay na anak ng broadcaster na si Anthony “Ka Tunying” Taberna na si Zoey Taberna.

Si Zoey ay na-diagnose na may Leukemia noong December 2, 2019.


Noong Martes, eksaktong isang taon mula nang malaman ng pamilya ang karamdaman ng 12-years old na si Zoey, nagbahagi si Ka Tunying ng mahabang post sa Instagram at Facebook sa pinagdadaanan ng kanyang panganay at ang tapang nito para magpakalbo dahil na rin sa chemotherapy.

Bunsod nito, bumuhos ang simpatiya ng celebrities para kay Zoey.

Kabilang na rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na humanga sa katatagan ni Zoey, ang singer na si Darren espanto, Vhong Navarro, Marlo Mortel at Melai Cantiveros.

Sa ngayon, patuloy pa ring nakikipaglaban si Zoey sa karamdamang Leukemia pero unti-unti na itong bumubuti.




Facebook Comments