Pagsalakay ng BIFF sa Datu Piang, kontrolado na ng Militar

71

Kinumpirma ng Philippine Army na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumalakay sa Datu Piang, Maguindanao kaninang pasado alas-12:00 ng hatinggabi.

Ayon kay Philippine Army Commanding General Lieutenant General Cirilito Sobejana, isang mobile ng pulisya ang sinunog ng mga bandido.


Pero agad namang nakaresponde ang militar sa lugar dahilan para umatras at tumakas ang mga bandido.

Ayon naman kay Western Mindanao Command Commander Lt/Gen. Corleto Vinluan Jr., walang napaulat na nasawi o nasugatan sa panig ng tropa ng gobyerno.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nangyaring pag-atake ng BIFF.

Facebook Comments