Nagbabala ang Malacañang sa mga alkaldeng sangkot sa illegal logging at mining sa kanilang mga bayan.
Kasunod ito ng ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ilang opisyal ng lokal na pamahalaan ang direktang nakikinabang sa mga ilegal na gawain.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi dapat ginagamit na parang negosyo ang kanilang posisyon.
Aniya, sa mga lokal na opisyal ang magiging kapalit ng paglabag sa environmental regulations lalo na’t nakita ng lahat ang naging pagbaha sa Cagayan.
Giit pa ni Roque, depende sa resulta ng imbestigasyon ang magiging parusa ng mga mapapatunayang alkalde na sangkot dito, pwedeng matanggal sa pwesto o kasuhan.
Ipinaalala rin nito sa mga lokal na opisyal ang magiging kapalit ng paglabag sa environmental regulations lalo na’t nakita ng lahat ang naging pagbaha sa Cagayan.
“Well, mga mayors ‘no, nandiyan po kayo para ipatupad po ang batas hindi para kayo ang lumabag ng batas. Hindi po dapat ginagamit na para sa negosyo ang inyong posisyon. Nakita naman po natin ang danyos na dulot ng illegal logging at illegal mining lalung-lalo na diyan sa probinsiya ng Cagayan, you will have blood in your hands kung pu-protektahan ninyo po ang mga illegal miners at illegal loggers.” Ani Roque
Mababatid na 73 katao ang nasawi dahil sa mapaminsalang pagbaha sa Luzon bunsod ng pananalasa ng Typhoon Ulysses.