Local court sa bansa, dapat maging “final arbiter” sa kaso ni Sen. Bato dela Rosa sa ICC

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ang korte sa bansa ang dapat na maging “final arbiter” sakali mang isyuhan na ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) si Senator Bato dela Rosa.

Tinukoy ni Cayetano na hindi katulad sa nangyari kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, dapat na hintayin munang magdesisyon ang korte sa bansa dahil kung tatanggalin ang kapangyarihan ng korte ay magmimistulang diktaturya na tayo na kapag kakampi hindi ipadadala sa international court pero pag kalaban ay hahayaan na lamang.

Binigyang-diin ni Cayetano na mas mataas ang local court kumpara sa international court dahil ang lokal na korte ang magbibigay ng pahintulot sa isisilbi ng dayuhang korte.

Ito rin ang dahilan kaya maaaring umalis sa treaty o kasunduan ang alinmang bansa.

Kawawa naman aniya ang Pilipinas na kapag huhulihin ng isang international court ang kababayan ay walang korte sa bansa na maaaring pagsaklolohan.

Facebook Comments