Local DepEd Officials pwede ng magsuspindi ng klase ayon sa bagong memorandum kaugnay sa COVID-19

Tuloy tuloy pa rin ang mga precautionary measure ng Department of Education o DepEd kontra sa 2019 Novel Coronavirus Actute Respiratory Disease o COVID-19.

Dahil dito naglabas ng bago kautusan ang DepEd na naglalaman ng mga bagong ipatutupad na mga polisiya.

Nakasaad sa bagong kautusan na Memorandum No. 21., Series of 2020 na tinangal na ang DepEd NCOV Task Force at pinalitan ito ng Quick Response and Recovery Team o QRRT–nCoV.


Ang QRRT na ang mamahala sa lahat ng mga hakbang ng DepEd na may kaugnayan sa COVID-19.

Ayon kay  DepEd Undersecretary Alain Pascua, ang bago anya sa Memorandum No. 21 ay may kapangyarihan ang mga Regional Director, School Division Superintendent, at School Heads na magpatupad ng class suspension kung mayroon isa o dalawang paaralan na may positibong kaso ng COVID-19.

Anya inatasan din ang mga School Division Offices na magsagawa ng Weekly Health Situation Report.

Pero iginiit ni Pascua na nanatili pa rin ang suspensyon ng mga national, regional at division school activity o mga pagtitipon ng mga mag-aaral na galing sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments