Local officials sa NCR+, inatasang sumunod sa COVID-19 case protocols

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga local chief executives sa NCR plus bubble na sumunod sa case prevention, detection, contact tracing at case management protocols sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge (OIC) Bernardo Florece Jr., ang local government units (LGUs) ay may tungkuling sumunod sa COVID-19 case protocols.

Napansin nila na may ilang LGUs ang hindi nakasunod sa basic health protocols lalo na sa pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga kababayan.


Ang mga lugar kung saan ginaganap ang distribution ay dinadagsa ng maraming tao at hindi na nasusunod ang social distancing.

Nakiusap ang DILG sa mga local chief executives na tiyaking nasusunod ang health protocols lalo na sa pamamahagi ng ayuda.

Trabaho rin ng LGUs na magsagawa ng profiling sa mga suspected, probable at confirmed COVID-19 individuals.

Paalala ng DILG sa mga LGUs na dapat may maayos at mahusay ding contact tracing.

Dapat ding tiyakin na mayroong referral mechanism sa treatment facilities at may sapat na bilang ng COVID-19 dedicated beds, health human resources at triage at referral systems sa mga LGUs, isolation at quarantine facilities, at health facilities.

Facebook Comments