Local production ng COVID-19 vaccines, inihirit muli ng isang kongresista na madaliin na

Muling nanawagan si Deputy Speaker Marlyn “Len” Alonte sa pamahalaan na madaliin na ang lokal na produksyon ng COVID-19 vaccines.

Partikular na kinakalampag ng kongresista sa pagpapabilis ng local production ng COVID-19 ang Fiscal Incentives Review Board, Department of Trade and Industry (DTI) at ang iba’t ibang investment promotion agencies.

Sa ganitong paraan ay abot-kamay na lamang ng bansa ang suplay ng COVID-19 vaccines gayundin ang iba pang bakuna na para sa tao at sa livestock.


Maaari aniyang tumulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) para kumuha ng vaccine licensing at joint venture production.

Mayroon namang nakalatag na insentibo para sa mga local manufacturer ng bakuna na tutulong salig sa mga umiiral na batas.

Binigyang diin ng mambabatas na ang local production ng bakuna ay “crucial” o mahalaga para sa seguridad pangekonomiya at sa bansa.

Facebook Comments