Local production ng mga gamot laban sa COVID-19, hiniling ng Kamara

Pinakikilos ni Deputy Speaker Marlyn Alonte ang Department of Trade and Industry-Board of Investments (DTI-BOI) para sa local production ng anti-COVID 19 drugs mula sa Pfizer at Merck.

Ang naturang oral antiviral drug ay kinakitaan ng pagiging epektibo sa paggamot sa mild hanggang moderate COVID-19 cases.

Giit ng kongresista, samantalahin ng DTI-BOI at gawin ang lahat ng paraan para magkaroon ng sariling produksyon ng mga gamot laban sa COVID-19 ang bansa.


Inirekomenda ng lady solon na makipag-ugnayan ang ahensya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa mga local pharmaceutical manufacturer kung papaano makakapag-mass produce ng naturang oral anti-COVID pill sa bansa.

Sa ngayon, isa pa lamang na pharmaceutical company ang napiling distributor ng Molnupiravir na gawa ng Merck.

Muli ring humirit ang mambabatas sa naunang na nitong panawagan na bilisan ang pagkakaroon ng local manufacturing ng COVID-19 vaccines at iba pang kagamitan at medical supplies na maaaring itayo sa mga ecozone at industrial estates.

Facebook Comments